Ngayong Undas 2024, ang Pola Municipal Police Station, sa ilalim ng pamumuno ni PMAJ FLORANTE M SUGIAN II, ay muling nagpapaabot ng mga paalala para sa ligtas at payapang paggunita ng Araw ng mga Yumao. Mahigpit ang pagbabantay sa mga sementeryo at mga lugar na inaasahang dadagsain upang matiyak ang seguridad ng publiko.
Patuloy ang aming panawagan sa bawat isa na maging alerto at magbigay-respeto sa kapwa upang makaiwas sa abala at sakuna. Sama-sama nating ipagdiwang ang Undas nang may disiplina at malasakit para sa kapwa at komunidad.