Pola, Oriental Mindoro β Matapos ang halos dalawang taong pagtatago, tuluyang naaresto ng mga tauhan ng Pola Municipal Police Station (MPS) ang isang wanted person na nahaharap sa kasong Qualified Theft sa isinagawang manhunt operation.
Sa pangunguna ni PCPT BERNIE T. ORTEGA, OIC, PIU, ORMINPPO, kasama ang 3rd Platoon, 1st PMFC, at 404th RMFB, isinagawa ang operasyon batay sa Warrant of Arrest na inisyu ng Municipal Trial Court (MTC) ng Pola.
Sa kabila ng mahabang panahon na hindi matagpuan ang wanted person, patuloy ang paghahanap at pagsubaybay ng Pola MPS hanggang sa matagumpay na maaresto ito.
βAng pag-aresto na ito ay patunay na hindi hadlang ang panahon sa pagpapatupad ng batas. Anuman ang tagal ng paghahanap, patuloy nating tutuparin ang ating tungkulin hanggang makamit ang hustisya. Kinikilala ko ang dedikasyon at tiyaga ng ating mga kasamahan sa matagumpay na operasyong ito,β pahayag ni PCPT Ortega
Matapos ang pagkakaaresto, ipinaalam sa naarestong indibidwal ang kanyang mga karapatang konstitusyonal at dinala sa Pola MPS para sa kaukulang dokumentasyon bago i-turn over sa korte para sa nararapat na disposisyon.
Patuloy na hinihikayat ng Pola MPS ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng impormasyon hinggil sa mga wanted person o iba pang kahina-hinalang aktibidad.
βBagong PNP para sa Bagong Pilipinas: Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman.β

