𝙋𝙤𝙡𝙖, 𝙊𝙧𝙞𝙚𝙣𝙩𝙖𝙡 𝙈𝙞𝙣𝙙𝙤𝙧𝙤 — 𝙎𝙚𝙩𝙮𝙚𝙢𝙗𝙧𝙚 8, 2025.
Ngayong araw, nagdiwang ang Pola Municipal Police Station kasama ang butihing 𝗣𝘂𝗻𝗼𝗻𝗴 𝗕𝗮𝘆𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗹𝗮, 𝗛𝗼𝗻. 𝗝𝗲𝗻𝗻𝗶𝗳𝗲𝗿 𝗠. 𝗖𝗿𝘂𝘇, bilang bahagi ng selebrasyon sa parangal na natanggap ng himpilan mula sa National Police Commission (NAPOLCOM) kaugnay ng matagumpay na pagpapatupad ng Community and Service-Oriented Policing (CSOP) program.




Matatandaang noong Setyembre 1, ginawaran ng NAPOLCOM ng pagkilala sina Mayor Cruz, ang Pola MPS, at si 𝗣𝗠𝗔𝗝 𝗙𝗟𝗢𝗥𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗠 𝗦𝗨𝗚𝗜𝗔𝗡 𝗜𝗜, 𝗵𝗲𝗽𝗲 𝗻𝗴 𝗣𝗼𝗹𝗮 𝗠𝗣𝗦, bilang patunay sa kanilang suporta, dedikasyon, at pagpapatibay ng mga programa sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa bayan.
Idinaos ang opisyal na selebrasyon upang ibahagi ang tagumpay na ito sa lahat ng kasapi ng Pola MPS. Bilang maagang 𝙋𝙖𝙢𝙖𝙨𝙠𝙤𝙣𝙜 𝙃𝙖𝙣𝙙𝙤𝙜 at simbolo ng pasasalamat, ipinagkaloob ni Mayor Cruz ang tig-iisang kaban ng bigas para sa lahat ng uniformed at non-uniformed personnel ng Pola MPS, bilang dagdag na suporta sa kanilang pamilya at pagkilala sa kanilang tapat na paglilingkod sa bayan.
Kasabay nito, isang masayang boodle feast ang isinagawa na nagbigay-diin sa pagkakaisa at matibay na samahan ng kapulisan at pamahalaang lokal, isang malinaw na patunay na sa pagkakaisa, higit na lumalakas ang serbisyo para sa mamamayan.
Ayon kay PMAJ SUGIAN, ang bagong parangal ay hindi lamang karangalan ng kapulisan kundi tagumpay ng buong bayan ng Pola, dahil sa patuloy na suporta at pagtitiwala ng pamahalaang lokal at ng mga Polenyos.
Sa pagtanggap ng ikatlong parangal para ngayong taon, muling pinagtibay ng Pola MPS at ng lokal na pamahalaan ang kanilang pangakong ipagpapatuloy at palalakasin ang CSOP program, upang matiyak ang isang ligtas, payapa, at maunlad na kinabukasan para sa lahat ng Polenyos.
